Sunday, April 08, 2012

National Shrine of Divine Mercy, Marilao Bulacan

3 comments

Popular sa bayan ng Marilao, Bulacan ang National Shrine of Divine Mercy.  Libo-libong tao ang dumarayo dito, may kapansanan man o wala, sa paniniwala ng bawat-isa na nagmi-milagro ang lugar na ito. 


First time na nakarating kami dito ng aking pamilya, mararamdaman mo talaga ang pagkabanal ng lugar. Masarap sa pakiramdam.
Konting kaalaman: Kinakatakutan noon ng mga lokal ang lugar na ito sa Sta. Rosa.  Mabato, masukal at walang masyadong nakatira. Madilim at malawak. Walang nag-aakala noon na ito pa pala ang magiging isa sa mga lugar-panalanginan ng nakararaming Pilipino!

Unang mapapansin dito ang pagkakagawa ng simbahan. Mataas at halos kumikislap sa pagkaputi. Kakaiba rin ang pagka-architectural design. Malayong-malayo sa itsura ng mga nakasanayang simbahan sa Bulacan. 







Makikita sa larawan ang mga katagang isinulat ni
Pope John Paul II sa kanyang diary
   

Konting kaalaman: Nagsilbing pasimula sa pagpapatayo ng dambana si Fr. Vic Robles. Itinayo ang naturang shrine sa isang ma-burol ng lugar ng Sta. Rosa sa Marilao. Makikita dito sa likuran ng simbahan ang mga life-size Stations of the Cross at ang Chapel of Our Lady of Fatima.

Nakaka-mangha ang mga deboto. Halo-halo na. Mayroong nagdarasal sa pinaka-altar, mayroon naman dumideretso sa likurang bahagi ng simabahan para mag rosaryo, at marami rin naman ang kumukuha ng banal na tubig sa may bukal. Pero pare-pareho ang intensyon – ang paghingi ng himala at maipahatid ang mga kahiligan ng bawat isa. 



Ang pinaka-altar ng simbahan sentro ang imahe ng Divine Mercy of Jesus

Isa pang larawang kuha sa may altar

Makikita ang imahe ng Santo Papa sa may parteng kaliwa ng altar

Una kong nilapitan pagkatapos manalangin ay ang makikitang Station of the Cross sa may kanang bahagi ng simbahan. Nakaka-enganyo kasi ang ganda ng mga ito.


jesus marilao bulacan divinemercy
Detalyeng kuha sa Pagkapako ni Hesus, makikita sa bahagi ng simbahan.

jesus marilao bulacan divine mercy
Isa sa mga Station of the Cross altar na makikita sa tagilirang kanang bahagi ng simbahan.


Patungo naman sa may likuran ng simbahan kung saan bumababa ang mga deboto ay papuntang Grotto of Our Lady of Lourdes. Bago ka makarating dito ay makikita mo ang mga ilang display ng batong nakolekta ng simbahan na nagmula pa sa Fatima.


Mababasa na ang tipak ng batong ito ay nagmula sa Fatima, Portugal na kung saan nagpakita ang
Mahal na Birthen sa tatlong bata nong 1917
Sa kanang bahagi naman ay ang pader na may panalangin, haligi rin kasi ito ng isa pang open air church sa lugar.  Napaka banal ng lugar. Maririnig mo lamang ang lagaslas ng tubig galing sa burol ng groto.




Ang Groto ng Mahal na Birhen
Kapag walang ginaganap na misa, nagsisilbing pahingahan ng mga deboto ang lugar na ito.
Nag-uuwi ang mga deboto ng tubig galing sa bukal sa paniniwalang eto ay nakapag-papagaling sa mga may sakit at karamdamam. Ginagawa ito ng mga debotong katoliko kahit saang mang dako – kaugalian man o paniniwala.

Sa likurang bahagi ng lugar na ito ng simbahan, nagkalat din ang mga life-size ng mga santo. Isa na dito sa umagaw ng pansin sa amin ay ang mga rebulto ng kulay itim na bata kasama ni Mother Teresa.


mother teresa divine mercy marilao bulacan
Isa sa mga batang estatwa na nakayakap sa imahe ni Mother Teresa.
Makikita ito sa open ground.


Si Cameron habang niyayakap nya ang paborito nyang kulay itim na bata.


Kasunod na makikita ang mala-cottage na chapel sa may dulo ng lugar. 




  


Sa ilalim na kinatitirikan ng malaking simbahan ay nakatago ang isang adoration chapel.  Napakaganda. Madilim at malamig ang simoy. Agaw-pansin sa akin ang mga naka sanggalang na mga saklay sa pader - wari'y palantandaan na ng di mabilang na mga himala. Mga instrumento noon ng mga pilay na di na nila kinailangan papauwi galing sa simbahan na ito.



jesus marilao bulacan divinemercy
Isang maliit na santo na bubungad sa mga papasok ng lagusan sa ilalim ng Simbahan.
Ang madilim at tahimik na lagusan patungo sa underground
adoration chapel

divine mercy marilao bulacan miracle proof
Nagsilbing pader ang mga iniwang saklay nga mga dating di nakakalakad.
Isa pa uling groto ang makikita sa kanang bahagi ng lagusan.

Si Aeron habang nagdarasal sa imahe ng Birhen ng Guadalupe.

Ang Adoration Altar
Konting Kaalaman: Itinayo sa compound ng lugar at makikita dito ang eksaktong replika ng  bahay ni Pope John Paul II sa bansang Poland. Nagsilbing museo na rin ito ng sari-saring bagay at impormasyon patungkol sa nasabing papa. Highlights dito ang mga larawan nya at mga kagamitan, ganun din ang replica ng madilim na basement na kanyang tinutuluyan.  link. Sa kabilang dako naman, mapupuntahan din ang replica ng Chapel na lugar na pinagkatanggapan ni Sister Faustina sa mga visions of Divine Mercy, link. Sa pinakadulo naman mapapasok ang replica ng kulungan at pinagkamatayan ng martir na si  St. Maximillian Kolbe link.

...................................................

Personal na opinyon ko, hindi na kataka-taka kung bakit maraming deboto ng Divine Mercy ang bumabalik dito. Ganun din naman ang mga bagong bisita lamang kabilang ako sampu ng pamilya ko, ay babalik dito.


sunflower easter divine mercy marilao
Bunos:  Higanteng sunflower, hand-made.
Naka-display sa may open ground na sa tingin ko ay ginamit sa
"salubong" ng Easter Sunday.
Ang inyong lingkod, kuha ang larawang ito sa isang bahagi ng dambana.


Related posts:
John Paul II House Replica
Sister Faustina Chapel Replica
Prison Cell Replica of St. Maximilian Kolbe



Official Website
Mass Schedules


View Larger Map   



3 comments:

  1. Kung mayroon kayong mga mungkahi o suhestiyon, ipagpaalam lamang po. Maraming salamat po sa inyong pagbisita. God bless.

    ReplyDelete
  2. Thank you for this post. It was very informative and the pictures are beautfiul.

    ReplyDelete