Sunday, September 09, 2012

Karuhatan's "Bahay Kubo" Church, Valenzuela

1 comments

Isa sa pinaka-malapit na simbahan na maaaring puntahan naming pamilya ang Karuhatan Church o ang Holy Family Parish tuwing araw ng Linggo.  Sa panlabas na anyo nito, hindi mo aakalain ang gandang makikita at pulido ng disenyo. Ginusto ng arkitek nito na gawing "Filipino Church" ang nasabing simbahan.. sa pamamagitan ng pagwangis ng konsepto mula sa bahay kubo at sa mga bahay na bato.  Ang resulta ay isang simbahan na nagbibigay simbulo bagay sa patron ng paroko.


Ang harapang bahagi ng simbahan
Una, para sa akin ay isa itong nakatagong yaman. Hindi masyadong pansinin sa mga taong tulad ko na mayroon palang ganitong dapat ipagmalaki ang syudad.  Sa kanyang kinalalagyan, hindi ito pansinin ng mga dumadaan kahit na mga ilang metro lamang ang layo nito sa McArthur Highway.

Atin namang silipin ang mga ilang detalye.
Karuhatan church valenzuela wooden 011
Detalyeng kuha sa may harapan ng simbahan
Karuhatan church valenzuela wooden 013
Isa sa mga haligi.
Karuhatan church valenzuela wooden 023
Ang kampana na makikita sa parteng itaas.
Karuhatan church valenzuela wooden 012
Bumulaga sa akin ang ngiting-ngiting batang tindero ng sampaguita.
Karuhatan church valenzuela wooden 022

Hindi mo maitatago ang pagkamangha mo dito sa oras na pumasok ka sa simbahang ito. Mataas ang ceiling nito at nagbibigay ng kulay ang mga kinulayang capiz ng malalaking bintana.  Highlights din naman ang pinaka-altar na may mga palamuting gawa sa kawayan at ratan. 


Karuhatan church valenzuela wooden 010
Bahagi ng kaliwang pader sa pagpasok sa simbahan
Karuhatan church valenzuela wooden 021
Ang holy water font

Ang kabuuang itsura sa loob ng simbahan

Karuhatan church valenzuela wooden 034

Karuhatan church valenzuela wooden 030

Karuhatan church valenzuela wooden 032
Ang kanang bahagi sa loob
Karuhatan church valenzuela wooden 033
Ang detalye ng kisame.

Tamang-tama lamang ang liwanag na ibinibigay ng mga kandila sa bawat pader, sapat na para magbigay ito ng saktong ambiance.

Karuhatan church valenzuela wooden 020
Isa sa mga kandilang gamit sa pagpapailaw sa buong simbahan.
Karuhatan church valenzuela wooden 001
Karuhatan church valenzuela wooden 025

Mapapansin din dito ang mga iba't ibang mga disenyo ng mga pailaw na ginamitan ng mga kawayan. Nagpapatunay lamang na sadyang inisa-isa itong ginawa ng indibidwal – hindi kasi magkakapareho ang mga bawa't isa.

Karuhatan church valenzuela wooden 017
Ilaw at kawayan
Karuhatan church valenzuela wooden 028

Karuhatan church valenzuela wooden 016

Karuhatan church valenzuela wooden 015
Magiging komportable naman sa pakikinig ng misa ang mga sumisimba dahil sa mga upuang gawa sa kawayan at ratan. Makaluma din naman ang mismong sahig na gustong-gusto ng marami. 

Karuhatan church valenzuela wooden 009
Ang gawa sa kawayan na mga upuan
Karuhatan church valenzuela wooden 031
Gawa sa matibay na tabla ang pinakasahig. Bato naman sa pinaka sentrong pasilyo.

Patungo naman sa bahaging itaas, masisilayan ang kagandahan ng simbahan. 


Karuhatan church valenzuela wooden 035
Ang daan paakyat sa balkonahe.
Karuhatan church valenzuela wooden 027

Karuhatan church valenzuela wooden 026
Detalyeng kuha ng railings ng hagdanan paakyat sa balkonahe.

Click to zoom in.


Click to zoom in.

Karuhatan church valenzuela wooden 029
Si Aeron habang nasa may itaas na bahagi ng simbahan.

Sa mas malapitan, mas kitang-kita naman ang kakaibang ganda ng altar. 



Karuhatan church valenzuela wooden 007
Ang altar
Karuhatan church valenzuela wooden 005
Gawang pinag-halong ratan at kawayan ang mga palamuting nagpaganda sa altar. 
Karuhatan church valenzuela wooden 006

Karuhatan church valenzuela wooden 008
Malapitang kuha sa altar table. Maaring gawa sa ivory ang Last Supper na ito.
Karuhatan church valenzuela wooden 004
Ang imahe ng birhen na nakalagay sa kanang bahagi ng altar.
Karuhatan church valenzuela wooden 024
Ang Holy Family altar na makikita sa basement ng simbahan.
Karuhatan church valenzuela wooden 019
Hilera ng mga santo na makikita sa kanang bahagi ng simbahan.

Karuhatan church valenzuela wooden 018
 Ang imahe ng Maria Dolorosa na isa sa madaling mapapansin
Karuhatan church valenzuela wooden 014




McArthur Highway, Karuhatan

Valenzuela, Metro Manila, Philippines
Oras ng mga Misa:
Monday to Saturday (6:00AM)
Sunday (6:00AM | 7:30AM | 5:00PM)


View Larger Map

1 comment:

  1. Kung mayroon kayong mga mungkahi o suhestiyon, ipagpaalam lamang po. Maraming salamat po sa inyong pagbisita. God bless.

    ReplyDelete