Kung may isang lugar man ako na unang pinupuntahan sa binibisitang bayan – eto ay ang mga kanya-kanyang simbahan ng parokya. Dito mo kasi makikita ang "kaluluwa" ng naturang bayan. Wala kasing kapares ang mga detalye ng mga ito pagdating sa arkitektura at debuho sa lahat ng aspeto. Dagdag pa dito yung mga kabuuang ganda ng mga altar at mga santong naka display dito lalo na kung luma't antigo na ang mga ito. Kumbaga, ang mga simbahan sa 'Pinas ay para na ring galleria ng mga obra... sa panlabas pa lang sulit na kumbaga.
Madalas na rin ako nakabalik-paroon sa simbahan ng Binondo... at hindi pa rin ako nagsasawa sa natural na ganda nito. Mabilis lang kasi ito mapuntahan – via LRT, jeep or taxi, puede rin sa kalesa :) Ingat lang sa nananamantalang mga kutsero :P
Kasalukuyang nagre-renovate sila nang araw na napadaan ako sa simbahan. Maingay dahil maraming on-going na construction. Pero sabi ko nga, sobrang solemn talaga sa loob kaya di maapektuhan ang pagsamba at pagdarasal mo.
Ang altar at ang dome. |
Detail, ceiling photo |
Kanang bahagi ng simbahan. |
Isa sa mga deboto na paluhod na nagdarasal patungo sa pinaka Altar. |
Larawan ng ceiling |
Sa may harapang Altar |
Konting impormasyon
Itinayo ang simbahan ng mga paring Dominicano noong 1596 sa lugar ng Binondo, sa may Chinatown. Ito ay para mas marami pang mga intsik ang maalukan na maging Katoliko. Nasira naman ang orihinal na kabuuan ng simbahan noong magkaroon ng giyera, taong 1762. Muling itinayo gamit ang granite na materyales sa kasalukuyang puesto nito ngayon at natapos din naman noong 1852 pero muling gumuho pagkatapos ng pangalawang digmaang pandaigdig.
Photo Op: Sa kabila ng pagkasira at pag-guho ng simbahan dahil sa digmaan, naiwang nakatayo ang ruins ng octagonal bell tower nito. Ganun din ang ilang bahagi ng harapan ng simbahan. Makikita ito magpahanggang ngayon. :)
Alay kay Lorenzo
Ipinangalan ang simbahan kay Lorenzo Ruiz, ang ating kauna-unahang santo. Sya ay may lahing Chinese-Filipino na kung saan ay nag-silbing sakristan sya sa nasabing simbahan. Kinalaunan ay naging misyonaryo sya at nakarating sa bansang Japan. Doon ay pinahirapan sya ng mga hapones dahil sa pagpapalaganap nya ng relihiyong Katoliko na bawal sa bansang ito. Dahil sa pagmamahal nya sa kanyang relihiyon, ipinagpalit nya ang kanyang buhay. Sya ay binabasbasan at naging santo noong 1987.Photo Op: Makikita sa harapan ng simbahan ang malaking statwa ni San Lorenzo Ruiz.
Sa susunod na mapapadaan ka sa lugar ng Chinatown – huwag makalimutang sumaglit sa simbahan ng Binondo. O hindi naman kaya'y kapag galing 0 papuntang Lucky Chinatown Mall ka, maaari mo lang lakarin ang daan papunta dito.
Sa uulitin!
Address: Plaza Lorenzo Ruiz, Binondo Manila
Telephone: 242-4850
Schedule of Mass
Sa uulitin!
Address: Plaza Lorenzo Ruiz, Binondo Manila
Telephone: 242-4850
Schedule of Mass
Post a Comment