Kung may isang pangalan man na maaalala ko tuwing nababanggit ang salitang Japanese - eto ay ang Sango! Tapat sa kanyang pangalan, dito matatagpuan ang mga iba't ibang mga variants ng Japanese Burgers!
Una kong nakilala ang Sango! Burgers sa Creekside Mall Branch nila na matatagpuan sa Makati City. Kapansin-pansin ang kakaibang laki ng mga burgers nila, at consistent sila sa kalidad ng kanilang mga pagkain pagdating sa lasa at sarap.
|
The burger master! |
|
Nagbibigay ng kulay ang mga origaming tulad nito sa buong Sango Store. These are
Giraffes, sa ibang parte ay mayroong crane, flowers, at marami pang ibang klase. Nice! |
My favorite Sango combination - Maccha Azuki Cornflake Shake and a Large Master Fries!
|
My Sango combination!
|
Dessert na maituturing ang Maccha Azuki Cornflake Shakes. Pero mas nauuna ko itong kinakain. Nakakatakam ang Green Tea ice cream nito, sa ibabaw naman ay mayroong cornflakes, Japanese rice balls at red beans! Kakaiba ang sarap.
|
Maccha Azuki Cornflake Shake! |
Ganun din naman ang kanilang Master Fries, punong-puno ng mga keso ang ibabaw. Isawsaw mo pa dito ang fries sa kanilang special authentic meat sauce.
|
Large Master Fries!
|
|
Muli nilang ibinalik ang Php 150.00 price tag para sa kanilang
mga best burgers. |
|
Ang kanilang menu flyer. |
|
They serve Rice Meals, Salad & Fries, and Little Master Meals for the kids too! |
Oo, sikat sila dahil sa mga ganitong uri ng mga pagkain. Nakilala sila sa kanilang mga authentic Japanese treats na magpa-hanggang ngayon ay ine-enjoy ng mga Pinoy.
Sango Creekside Map
Sango Tomas Morato Map
Kung mayroon kayong mga mungkahi o suhestiyon, ipagpaalam lamang po. Maraming salamat po sa inyong pagbisita. God bless.
ReplyDelete