"Little Poland" kung tawagin ang napakagandang lugar na ito – matatagpuan sa compound ng Divine Mercy National Shrine sa Marilao, Bulacan.
Eksaktong kopya ito ng naging tirahan ni Karol Józef Wojtyła, ang batang si John Paul II noon sa Wadowice, Poland.
Ang lugar na ito ay patuloy na dinarayo, debotong Katoliko man o hindi – patunay na minahal ng mga Pilipino ang dating Santo Papa.
Konting kaalaman: Itinayo ang replika na ito noong 2005, taon ng pagkamatay ng Santo Papa.
Nakatayo ang life-size na statwa ni Pope John Paul II sa mismong harapan ng bahay.
|
Larawang kasama ang aking dalawang anak at asawa sa may bintana. |
Detalyeng kuha ng Papal Cross |
Makikitang taimtim na nagdarasal si Aeron sa imahe ng Santo Papa. |
Kasulatang mababasa ng bawat dumadaan sa exhibit |
Ang hagdanan paakyat sa entrance ng exhibit. |
Sa loob naman, naka-display ang maraming mga larawan na sumasalamin sa buhay ni Karol – mula pagkabata hanggang sa pagpapalibing sa kanya sa Vatican City.
Gustong-gusto ko ang isang figurine ng Santo Papa, in fact see below pic for close-up shot. |
Very good details |
Isa sa mahalagang parte ng exhibit – estatwa ng batang si Karol |
Ganun din naman sa pagdating sa basement, haharap sa iyo ang sangkatutak na larawan at impormasyon pa tungkol sa dating Santo Papa - ang mga aral na kanyang mga itinuro at pagpapahalaga sa kanyang buhay spiritwal.
Ang daan pababa sa basement. |
Si Aeron kuha sa basement ng bahay. |
Ang daan patungo sa kabilang exhibit – ang Chapel ni Sister Faustina. |
Related posts:
Divine Mercy Shrine Bulacan
Sister Faustina Chapel Replica
Prison Cell Replica of St. Maximilian Kolbe
Kung mayroon kayong mga mungkahi o suhestiyon, ipagpaalam lamang po. Maraming salamat po sa inyong pagbisita. God bless.
ReplyDelete