Monday, April 09, 2012

Prison Cell of St. Maximilian Kolbe Marilao Bulacan

1 comments


Panghuli sa tatlong replica sa Little Poland exhibit ng Divine Mercy Shrine ang replika ng prison cell of St. Maximillian Kobe. 

Malamang sa bibihira ay hindi talaga pamilyar sa ating lahat ang buhay martir at kontribusyon na naibigay sa simbahang katoliko ni St. Maximilian.

Sya ay ang patron ng mga drug addicts, political prisoners, mga preso, at journalists! Naging santo sya noong October 1982 sa basbas ni Pope John Paul II.


Ginawaran sya ng dating Santo Papa bilang "The Patron Saint of Our Difficult Century".


Taong 1942 noon nang ikulong ng mga Nazi si Father Maximilian sa Auschwitz death camp. Kusa nyang ipinagpalit ang kanyang sarili na makulong keysa sa isa pang kapwa. Hinatulan sya na mamatay sa hirap sa pamamagitan ng pagkagutom at malagay sa starvation bunker.  Subalit dahil sa hindi na mahintay ng mga bantay, pinatay si Father Maximilian sa pamamagitan ng pagturok sa kanya ng isang injection na nakakamatay.



Prison Kolbe Martyr Philippines
Exterior ng Prison Cell Replica

Prison Kolbe Martyr Philippines
Ang pintuan papasok sa Prison Cell Replica
Prison Kolbe Martyr Philippines
Mga larawan at talata tungkol sa buhay at panata ni Saint Maximilian
Prison Kolbe Martyr Philippines
Mga gamit at sari-saring mga mamahalagang bagay na may koneksyon
kay Saint Maximilian
Prison Kolbe Martyr Philippines
Prison Kolbe Martyr Philippines
Prison Kolbe Martyr Philippines
Starvation Bunker replica
Prison Kolbe Martyr Philippines
Ang aking pamilya kuha sa may pintuan ng replika ng Prison Cell.










1 comment:

  1. Kung mayroon kayong mga mungkahi o suhestiyon, ipagpaalam lamang po. Maraming salamat po sa inyong pagbisita. God bless.

    ReplyDelete