![]() |
Hindi na yata mag-sasawa ang mga bata sa paliligo sa 8 Waves. High-class naman talaga kasi at maganda ang kalidad ng lugar. Isa pa, mas malapit ang 8 Waves sa aming lugar ng NLEX.
Hindi na namin mabilang kung maka-ilang beses na kami nakarating dito. Pero sa aming bunsong anak, Cameron ay parang first time lang. Napanatili kasi ang pag maintain ng ganda, kulay at serbisyo ng nasabing parke – mula sa fountain whale sa entrance, sa Noah's Ark Pool at hanggang sa mga slides nito.
Hindi kami pumunta ng araw na ito para mag-swimming kundi dito ginanap bilang lokasyon para sa birthday celebration ng isang anak ng aming kaibigan. Ganun pa man, lahat kami, bata man o matanda ay naaliw pa rin.
| Unang makikita pagpasok sa resort - ang whale fountain |
| Si Aeron na tuwang-tuwa tuwing darating sa 8 Waves. |
| Matataas na punong kahoy ang nagbibigay ng lilim sa mga naglalakad sa buong parke. |
| Si Aeron habang sinasabayan ang mga malalaking alon. |
| Sikat naman sa mga tsikiting ang Noah's Ark Pool. |
| My Cameron habang nagtatampisaw sa tubig |
| Kuha ng malapitan sa Noah's Ark Pool |
| Noah's Ark Pool |
| Ang Safari Pool na patok sa mga teens |
| Mga ilang detalye sa mga haligi ng Safari Pool |
| Si Cameron habang nag-eenjoy sa swimming |
| Nahahati ang Safari Pool sa dalwang bahagi. Sa gitna nito ay makikita ang isang maliit na tulay parang viewing deck |
| Makikita sa bandang dulo ang Safari Slides |
| Malawak at malaki ang lugar ng Safari Slides |
| Relaks time. |
| Kuha ng mga tsikiting habang naghahanda sa pag-uwi. |
D.R.T. Highway Ulingao
+63 2 299 8270
View Larger Map


Kung mayroon kayong mga mungkahi o suhestiyon, ipagpaalam lamang po. Maraming salamat po sa inyong pagbisita. God bless.
ReplyDelete