Friday, August 24, 2012

Sango! The Burger Master: Master Fries & Maccha Azuki Cornflake Shake

1 comments
Kung may isang pangalan man na maaalala ko tuwing nababanggit ang salitang Japanese - eto ay ang Sango!  Tapat sa kanyang pangalan, dito matatagpuan ang mga iba't ibang mga variants ng Japanese Burgers!

Una kong nakilala ang Sango! Burgers sa Creekside Mall Branch nila na matatagpuan sa Makati City.  Kapansin-pansin ang kakaibang laki ng mga burgers nila, at consistent sila sa kalidad ng kanilang mga pagkain pagdating sa lasa at sarap.

sango master burger fries maccha azuki conflake shake
The burger master! 
sango master burger fries maccha azuki conflake shake
sango master burger fries maccha azuki conflake shake
Nagbibigay ng kulay ang mga origaming tulad nito sa buong Sango Store.  These are
Giraffes, sa ibang parte ay mayroong crane, flowers, at marami pang ibang klase. Nice! 

My favorite Sango combination - Maccha Azuki Cornflake Shake and a Large Master Fries!


sango master burger fries maccha azuki conflake shake
My Sango combination! 

Dessert na maituturing ang Maccha Azuki Cornflake Shakes. Pero mas nauuna ko itong kinakain. Nakakatakam ang Green Tea ice cream nito, sa ibabaw naman ay mayroong cornflakes, Japanese rice balls at red beans! Kakaiba ang sarap.

sango master burger fries maccha azuki conflake shake
Maccha Azuki Cornflake Shake!
sango master burger fries maccha azuki conflake shake

Ganun din naman ang kanilang Master Fries, punong-puno ng  mga keso ang ibabaw. Isawsaw mo pa dito ang fries sa kanilang special authentic meat sauce.


sango master burger fries maccha azuki conflake shake
Large Master Fries!

sango master burger fries maccha azuki conflake shake




sango master burger fries maccha azuki conflake shake
Muli nilang ibinalik ang Php 150.00 price tag para sa kanilang
mga best burgers.
sango master burger fries maccha azuki conflake shake
Ang kanilang menu flyer.
sango master burger fries maccha azuki conflake shake
They serve Rice Meals, Salad & Fries, and Little Master Meals for the kids too!




Oo, sikat sila dahil sa mga ganitong uri ng mga pagkain. Nakilala sila sa kanilang mga authentic Japanese treats na magpa-hanggang ngayon ay ine-enjoy ng mga Pinoy.

Sango Creekside Map


Sango Tomas Morato Map




1 comment

Post a Comment

Friday, August 17, 2012

Chinatown Walk - Lucky Chinatown Mall

3 comments


Unang nakaagaw ng pansin sa akin ang exteriors at mala HK-Macau na architectural details nito noong itinatayo pa ang harapang bahagi ng mall.

Hindi para mag-shopping ang ipinunta ko dito sa Lucky Chinatown Mall – kundi ang makita ng malapitan ang tinatawag nilang "Chinatown Walk".  Isa kasi ito sa ipinag-mamalaki ng naturang mall– ang pasilyong magsisilbing isa sa mga pasyalan at replika ng sinaunang chinatown.  

Dagdag kaalamaan: Ang ating China Town, o ang chinatown ng Binondo ang pinaka-matanda sa buong mundo.

I will definitely come back to get more photos!


Lucky chinatown mall manila
Pasilyo sa Lucky Chinatown Mall
Lucky chinatown mall manila
Entrance along Gen. Lachambre Street
Mga Chinese lanterns na nagbigay ng palamuti sa buong paligid
Lucky chinatown mall manila

Lucky chinatown mall manila
Mala-Macau na design ang mapapansin sa panlabas na itsura ng buong Mall
Lucky chinatown mall manila

Lucky chinatown mall manila
Eto naman ang flooring ng pasilyo
Lucky chinatown mall interior
Interior shot 
Lucky chinatown mall interior
Activity center ng buong mall

Ibang mapagkukunan ng impormasyon:

Address:
Reina Regente St. Corner Dela Reina St. Brgy. 293 Zone 28, Binondo, 1006 Manila, Philippines
Telephone 576-8139





3 comments

Post a Comment

Binondo Church - Minor Basilica of San Lorenzo Ruiz

0 comments


Kung may isang lugar man ako na unang pinupuntahan sa binibisitang bayan – eto ay ang mga kanya-kanyang simbahan ng parokya. Dito mo kasi makikita  ang "kaluluwa" ng naturang bayan. Wala kasing kapares ang mga detalye ng mga ito pagdating sa arkitektura at debuho sa lahat ng aspeto. Dagdag pa dito yung mga kabuuang ganda ng mga altar at mga santong naka display dito lalo na kung luma't antigo na ang mga ito. Kumbaga, ang mga simbahan sa 'Pinas ay para na ring galleria ng mga obra... sa panlabas pa lang sulit na kumbaga.

Madalas na rin ako nakabalik-paroon sa simbahan ng Binondo... at hindi pa rin ako nagsasawa sa natural na ganda nito. Mabilis lang kasi ito mapuntahan – via LRT, jeep or taxi, puede rin sa kalesa :) Ingat lang sa nananamantalang mga kutsero :P


Kasalukuyang nagre-renovate sila nang araw na napadaan ako sa simbahan. Maingay dahil maraming on-going na construction.  Pero sabi ko nga, sobrang solemn talaga sa loob kaya di maapektuhan ang pagsamba at pagdarasal mo.


binondo church lorenzo ruiz interior dome
Ang altar at ang dome.


binondo church lorenzo ruiz interior
Detail, ceiling photo

binondo church lorenzo ruiz interior

binondo church lorenzo ruiz interior
Kanang bahagi ng simbahan.
binondo church lorenzo ruiz interior
Isa sa mga deboto na paluhod na nagdarasal patungo sa pinaka Altar.

binondo church lorenzo ruiz interior
Larawan ng ceiling

binondo church lorenzo ruiz interior
Sa may harapang Altar

Konting impormasyon

Itinayo ang simbahan ng mga paring Dominicano noong 1596 sa lugar ng Binondo, sa may Chinatown. Ito ay para mas marami pang mga intsik ang maalukan na maging Katoliko. Nasira naman ang orihinal na kabuuan ng simbahan noong magkaroon ng giyera, taong 1762. Muling itinayo gamit ang granite na materyales sa kasalukuyang puesto nito ngayon at natapos din naman noong 1852 pero muling gumuho pagkatapos ng pangalawang digmaang pandaigdig. 
Photo Op: Sa kabila ng pagkasira at pag-guho ng simbahan dahil sa digmaan, naiwang nakatayo ang ruins ng octagonal bell tower nito. Ganun din ang ilang bahagi ng harapan ng simbahan. Makikita ito magpahanggang ngayon. :) 


Alay kay Lorenzo

Ipinangalan ang simbahan kay Lorenzo Ruiz, ang ating kauna-unahang santo.  Sya ay may lahing Chinese-Filipino na kung saan ay nag-silbing sakristan sya sa nasabing simbahan. Kinalaunan ay naging misyonaryo sya at nakarating sa bansang Japan. Doon ay pinahirapan sya ng mga hapones dahil sa pagpapalaganap nya ng relihiyong Katoliko na bawal sa bansang ito. Dahil sa pagmamahal nya sa kanyang relihiyon, ipinagpalit nya ang kanyang buhay. Sya ay binabasbasan at naging santo noong 1987. 
Photo Op: Makikita sa harapan ng simbahan ang malaking statwa ni San Lorenzo Ruiz.


Sa susunod na mapapadaan ka sa lugar ng Chinatown – huwag makalimutang sumaglit sa simbahan ng Binondo. O hindi naman kaya'y kapag galing 0 papuntang Lucky Chinatown Mall ka, maaari mo lang lakarin ang daan papunta dito.

Sa uulitin!


Address: Plaza Lorenzo Ruiz, Binondo Manila

Telephone: 242-4850

Schedule of Mass




Post a Comment