Wednesday, April 25, 2012

Tempura Japanese Grill: Tempura, Maki & Teppanyaki

1 comments


Nakasanayan na naming pamilya sa tuwing pagkatapos ng mga monthly check-ups ng mga bata sa St. Lukes Hospital - ang mag lunch sa Tempura Japanese Grill sa may Tomas Morato corner Roces Avenue. Bukod kasi sa malapit lamang ito sa pinag-galingang hospital eh sadyang mahilig si Aeron sa Ebi Tempura, at ako naman eh sa katabing Yoh Froz nagde-dessert.

Isang casual dining na restaurant ang Tempura. Nagse-serve sila ng mga iba't ibang tradisyonal na pagkain na lutong Japanese. Tulad ng iba,  karamihan sa menu nila eh may halong twist  at makabago na rin ang timpla.

Palaging merong maki, teppanyaki at tempura syempre sa mga order namin. 

Kain po!


tempura japanese food manila maki
Mixed Maki
4 pcs California Maki, 2 pcs Tamago Maki
tempura japanese food manila maki
Mixed Maki
tempura japanese food manila maki
Hawaiian Maki
Maki with pineapple chunks and spicy crunchy salmon bits
tempura japanese food manila maki
Hawaiian Maki
tempura japanese food manila teppanyaki
Hotate Asparagus Teppanyaki
Scallops with asparagus in teppanyaki sauce
tempura japanese food manila teppanyaki
Hotate Asparagus Teppanyaki
tempura japanese food manila
Aeron's favorite - Ebi Tempura!
tempura japanese food manila
Ebi Tempura
Deep-fried tiger prawns in crispy batter
tempura japanese food manila
Ebi Tempura


View Larger Map

1 comment

Post a Comment

Monday, April 16, 2012

8 Waves Waterpark & Hotel - Summer 2012

1 comments


Hindi na yata mag-sasawa ang mga bata sa paliligo sa 8 Waves.  High-class naman talaga kasi at maganda ang kalidad ng lugar. Isa pa, mas malapit ang 8 Waves sa aming lugar ng NLEX.

Hindi na namin mabilang kung maka-ilang beses na kami nakarating dito. Pero sa aming bunsong anak, Cameron ay parang first time lang. Napanatili kasi ang pag maintain ng ganda, kulay at serbisyo ng nasabing parke – mula sa fountain whale sa entrance, sa Noah's Ark Pool at hanggang sa mga slides nito.

Hindi kami pumunta ng araw na ito para mag-swimming kundi dito ginanap bilang lokasyon para sa birthday celebration ng isang anak ng aming kaibigan. Ganun pa man, lahat kami, bata man o matanda ay naaliw pa rin.



8 waves waterpark summer philippines
Unang makikita pagpasok sa resort - ang whale fountain
8 waves waterpark summer philippines
Si Aeron na tuwang-tuwa tuwing darating sa 8 Waves.
8 waves waterpark summer philippines
Matataas na punong kahoy ang nagbibigay ng lilim sa mga
naglalakad sa buong parke.

8 waves waterpark summer philippines
8 waves waterpark summer philippines
Si Aeron habang sinasabayan ang mga malalaking alon.
8 waves waterpark summer philippines
Sikat naman sa mga tsikiting ang Noah's Ark Pool.
8 waves waterpark summer philippines
My Cameron habang nagtatampisaw sa tubig
8 waves waterpark summer philippines
Kuha ng malapitan sa Noah's Ark Pool
8 waves waterpark summer philippines
Noah's Ark Pool
8 waves waterpark summer philippines

8 waves waterpark summer philippines

8 waves waterpark summer philippines
Ang Safari Pool na patok sa mga teens
8 waves waterpark summer philippines

8 waves waterpark summer philippines

8 waves waterpark summer philippines
Mga ilang detalye sa mga haligi ng Safari Pool
8 waves waterpark summer philippines

8 waves waterpark summer philippines
Si Cameron habang nag-eenjoy sa swimming
8 waves waterpark summer philippines
Nahahati ang Safari Pool sa dalwang bahagi. Sa gitna nito ay makikita ang isang
maliit na tulay parang viewing deck
8 waves waterpark summer philippines
Makikita sa bandang dulo ang Safari Slides
8 waves waterpark summer philippines
Malawak at malaki ang lugar ng Safari Slides
8 waves waterpark summer philippines
8 waves waterpark summer philippines
Relaks time.
8 waves waterpark summer philippines
Kuha ng mga tsikiting habang naghahanda sa pag-uwi.
8 Waves Waterpark and Hotel
D.R.T. Highway Ulingao
San Rafael Bulacan
+63 2 299 8270



View Larger Map




1 comment

Post a Comment

Monday, April 09, 2012

Prison Cell of St. Maximilian Kolbe Marilao Bulacan

1 comments


Panghuli sa tatlong replica sa Little Poland exhibit ng Divine Mercy Shrine ang replika ng prison cell of St. Maximillian Kobe. 

Malamang sa bibihira ay hindi talaga pamilyar sa ating lahat ang buhay martir at kontribusyon na naibigay sa simbahang katoliko ni St. Maximilian.

Sya ay ang patron ng mga drug addicts, political prisoners, mga preso, at journalists! Naging santo sya noong October 1982 sa basbas ni Pope John Paul II.


Ginawaran sya ng dating Santo Papa bilang "The Patron Saint of Our Difficult Century".


Taong 1942 noon nang ikulong ng mga Nazi si Father Maximilian sa Auschwitz death camp. Kusa nyang ipinagpalit ang kanyang sarili na makulong keysa sa isa pang kapwa. Hinatulan sya na mamatay sa hirap sa pamamagitan ng pagkagutom at malagay sa starvation bunker.  Subalit dahil sa hindi na mahintay ng mga bantay, pinatay si Father Maximilian sa pamamagitan ng pagturok sa kanya ng isang injection na nakakamatay.



Prison Kolbe Martyr Philippines
Exterior ng Prison Cell Replica

Prison Kolbe Martyr Philippines
Ang pintuan papasok sa Prison Cell Replica
Prison Kolbe Martyr Philippines
Mga larawan at talata tungkol sa buhay at panata ni Saint Maximilian
Prison Kolbe Martyr Philippines
Mga gamit at sari-saring mga mamahalagang bagay na may koneksyon
kay Saint Maximilian
Prison Kolbe Martyr Philippines
Prison Kolbe Martyr Philippines
Prison Kolbe Martyr Philippines
Starvation Bunker replica
Prison Kolbe Martyr Philippines
Ang aking pamilya kuha sa may pintuan ng replika ng Prison Cell.










1 comment

Post a Comment

Sunday, April 08, 2012

National Shrine of Divine Mercy, Marilao Bulacan

3 comments

Popular sa bayan ng Marilao, Bulacan ang National Shrine of Divine Mercy.  Libo-libong tao ang dumarayo dito, may kapansanan man o wala, sa paniniwala ng bawat-isa na nagmi-milagro ang lugar na ito. 


First time na nakarating kami dito ng aking pamilya, mararamdaman mo talaga ang pagkabanal ng lugar. Masarap sa pakiramdam.
Konting kaalaman: Kinakatakutan noon ng mga lokal ang lugar na ito sa Sta. Rosa.  Mabato, masukal at walang masyadong nakatira. Madilim at malawak. Walang nag-aakala noon na ito pa pala ang magiging isa sa mga lugar-panalanginan ng nakararaming Pilipino!

Unang mapapansin dito ang pagkakagawa ng simbahan. Mataas at halos kumikislap sa pagkaputi. Kakaiba rin ang pagka-architectural design. Malayong-malayo sa itsura ng mga nakasanayang simbahan sa Bulacan. 







Makikita sa larawan ang mga katagang isinulat ni
Pope John Paul II sa kanyang diary
   

Konting kaalaman: Nagsilbing pasimula sa pagpapatayo ng dambana si Fr. Vic Robles. Itinayo ang naturang shrine sa isang ma-burol ng lugar ng Sta. Rosa sa Marilao. Makikita dito sa likuran ng simbahan ang mga life-size Stations of the Cross at ang Chapel of Our Lady of Fatima.

Nakaka-mangha ang mga deboto. Halo-halo na. Mayroong nagdarasal sa pinaka-altar, mayroon naman dumideretso sa likurang bahagi ng simabahan para mag rosaryo, at marami rin naman ang kumukuha ng banal na tubig sa may bukal. Pero pare-pareho ang intensyon – ang paghingi ng himala at maipahatid ang mga kahiligan ng bawat isa. 



Ang pinaka-altar ng simbahan sentro ang imahe ng Divine Mercy of Jesus

Isa pang larawang kuha sa may altar

Makikita ang imahe ng Santo Papa sa may parteng kaliwa ng altar

Una kong nilapitan pagkatapos manalangin ay ang makikitang Station of the Cross sa may kanang bahagi ng simbahan. Nakaka-enganyo kasi ang ganda ng mga ito.


jesus marilao bulacan divinemercy
Detalyeng kuha sa Pagkapako ni Hesus, makikita sa bahagi ng simbahan.

jesus marilao bulacan divine mercy
Isa sa mga Station of the Cross altar na makikita sa tagilirang kanang bahagi ng simbahan.


Patungo naman sa may likuran ng simbahan kung saan bumababa ang mga deboto ay papuntang Grotto of Our Lady of Lourdes. Bago ka makarating dito ay makikita mo ang mga ilang display ng batong nakolekta ng simbahan na nagmula pa sa Fatima.


Mababasa na ang tipak ng batong ito ay nagmula sa Fatima, Portugal na kung saan nagpakita ang
Mahal na Birthen sa tatlong bata nong 1917
Sa kanang bahagi naman ay ang pader na may panalangin, haligi rin kasi ito ng isa pang open air church sa lugar.  Napaka banal ng lugar. Maririnig mo lamang ang lagaslas ng tubig galing sa burol ng groto.




Ang Groto ng Mahal na Birhen
Kapag walang ginaganap na misa, nagsisilbing pahingahan ng mga deboto ang lugar na ito.
Nag-uuwi ang mga deboto ng tubig galing sa bukal sa paniniwalang eto ay nakapag-papagaling sa mga may sakit at karamdamam. Ginagawa ito ng mga debotong katoliko kahit saang mang dako – kaugalian man o paniniwala.

Sa likurang bahagi ng lugar na ito ng simbahan, nagkalat din ang mga life-size ng mga santo. Isa na dito sa umagaw ng pansin sa amin ay ang mga rebulto ng kulay itim na bata kasama ni Mother Teresa.


mother teresa divine mercy marilao bulacan
Isa sa mga batang estatwa na nakayakap sa imahe ni Mother Teresa.
Makikita ito sa open ground.


Si Cameron habang niyayakap nya ang paborito nyang kulay itim na bata.


Kasunod na makikita ang mala-cottage na chapel sa may dulo ng lugar. 




  


Sa ilalim na kinatitirikan ng malaking simbahan ay nakatago ang isang adoration chapel.  Napakaganda. Madilim at malamig ang simoy. Agaw-pansin sa akin ang mga naka sanggalang na mga saklay sa pader - wari'y palantandaan na ng di mabilang na mga himala. Mga instrumento noon ng mga pilay na di na nila kinailangan papauwi galing sa simbahan na ito.


Read more

3 comments

Post a Comment