Saturday, June 30, 2012

Manila Zoo!!!

1 comments



Sambit na ng mga Pinoy ang salitang "Mali the Elephant" kapag Manila Zoo ang pinag-uusapan.  Nag-iisa na lang kasi sya na parang highlight ng park.  

Personal na opinyon ko, oo tama.. dapat talaga nasa tamang kinalalagyan siya - sa wild. Matagal tagal na kasi sya naka display sa zoo ng Maynila. Simula pa noong 1974 kasi, magpahanggang-ngayon, ilang dekada na rin sya na nakakulong.  Kinamulatan ko na, andun na sya. Naalala ko meron pa noong mga giraffe, leon at mga iba pa na makikita mo lamang sa African safari. Si Mali na lang ang natira kumbaga.


elephant eye manila zoo mali


Sakto naman, may oras na konti kami para ipasyal ang mga bata sa zoo, sakto rin para masilayan muli si Mali.  Excited na kasi mga bata para makita sya muli, after nga naging madalas ang pagpapakita ng isyu sa telebisyon. Yun! tutal kami ay galing lang sa Rizal Sports Complex, dumiretso na kami kaagad.

Hindi pa rin kumukupas ang ganda niya. Hindi nakakasawa.  Makailang beses nga ako kumuha ng litrato. Feeling emote pa nga si Mali kung tutuusin, para bagang nangungusap sa mga nakatingin sa kanya. Malakas kasi ang sense of emotion ng mga elepante. Matalino at mahilig magliwaliw o maglaro – kung may kasama syang kapwa nya. 

Pang -ilang beses ko na rin napasyalan ang  Manila Zoo. Hindi ito tulad ng ineexpect mo na malinis at maganda ang facilities – pero sapat na ito para mapaligaya ang mga bata at matuto ng maraming impormasyon tungkol sa mga hayop. 

Sa susunod ulit Mali!



Mga litratong kuha pa sa may reptiles section:

iguana reptile closeup disease manila zoo

iguana reptile closeup manila zoo nature

iguana reptile closeup manila zoo nature

iguana reptile portrait manila zoo closeup
python closeup manila zoo reptile snake


and some shots from the aviary section:















hawk bird aviary manila zoo closeup

closeup owl beak manila zoo feather

owl eye closeup shot manila zoo
Manila Zoo Official website


View Larger Map



1 comment

Post a Comment