Saturday, September 22, 2012
Wednesday, September 19, 2012
Ang bahaging ito ay karugtong ng aking salaysay tungkol sa Our Lady of Victoneta Chapel.
------------------------------
Isa sa ipinag-mamalaki ng pribadong lugar na ito ang kanilang Clubhouse. Dito ginaganap kadalasan ang mga pagsasalo-salo para sa mga kasalang naganap sa nasabing chapel.
Ang clubhouse ay mapupuntahan sa likuran lamang ng simbahan. Malalakad ito ng malapitan mula dito.
Binubuo ang clubhouse ng dalawang bahagi. Sa ilalim naman ang mismong admin office ng village.
Mayroong dalawang malaking pool ang lugar.
View Larger Map
------------------------------
Isa sa ipinag-mamalaki ng pribadong lugar na ito ang kanilang Clubhouse. Dito ginaganap kadalasan ang mga pagsasalo-salo para sa mga kasalang naganap sa nasabing chapel.
Ang dinadaanan patungo sa lugar. |
Ang isa sa mga reception hall. |
View Larger Map
Pang-finale ng mga teleserye at pelikula ang ganda ng Our Lady of Victoneta Chapel. Kaya naman akit na akit ang mga gustong magpakasal sa simbahan na ito. Tahimik kasi at bagay na bagay sa mga mag-iisang dibdib.
Patok sa mga mahihilig sa mga lumang istilo ang chapel. Katulad ng mga ibang simbahang sinauna, ginamit dito ang mga capiz na shell para sa mga bintana. Naglalakihan din ang mga side doors at tabla naman ang mga pintong panara.
Pero ang higit na nagbigay kakaiba sa lugar na ito – ang wari'y nasa kalagitnaan ito ng isang mapunong halamanan. Hindi mo nga maaalala na ika'y nasa gitna ng maingay na syudad.
Una kong nakita ang chapel sa imbita ng isang kasalan ng aking kaibigan. Ipinangako ko noon din sa aking sarili na sya'y aking babalikan – ang simbahang sikat ng mga teleserye.
Ang daan patungo sa may harapan ng simbahan. |
Mapuno sa kapaligiran na parang nagtatago dito ang simbahan. |
Hindi ko maiwasan na kunan ng larawan ang sahigang bahagi. Puno ng mga tuyong bulaklak at dahon ng mga punong-kahoy sa paligid :) |
Tanaw sa larawang ito ang yamang ganda ng halamanan ng nasabing lugar. |
Ang kabuuang itsura ng harapan. |
Masisilip naman ang liwanag ng altar mula sa labas. |
Ang marker na inilagay sa kanang poste ng harapan. |
Napapalibutan ng puno ng Calachuchi ang lugar. |
Ang kampana ng simbahan. Naka-pwesto ito sa may harapan at hindi masyadong pansinin dahil sa pagkukubli sa mga halaman. |
Kakaibang bulaklak na hindi naiwasang mapansin ng aking kamera. :) |
Mga ilang bunot na kabute na nakatiwangwang sa lugar. |
Angulong kuha sa may kaliwang bahagi ng simbahan. Nagbigay ganda ng mga baging na nakalaylay. |
Malapitang kuha sa mga bintanang nakasarado, kuha pa rin sa parteng kaliwa ng simbahan. |
Detalye ng ilaw sa may tagiliran. |
Binubuksan naman ang malalaking pintuan na ito tuwing may dinaraos na misa o kasalan. |
Ilang bintana naman ang nakabukas din, kuha sa may parteng likuran. |
Ito ang likuran ng simbahan. Makikita ito kung patungo sa katabing "clubhouse" ng lugar. |
Eto naman ang kanang bahagi ng chapel. |
Detalyeng kuha sa isa sa mga trangkahan. |
Ang buong loob ng simbahan kuha sa may pagpasok. |
Bato ang sahig at malawak naman ang looban ng simbahan. |
Nakakaagaw-pansin ang mga guhitang kisame. |
Nakaka-agaw pansin ang mga aranya ng ilawan na ginamit dito. |
Kuha sa may kaliwang looban. |
Ang panoramic shot kuha sa may altar. |
Ang pinaka altar. |
Isa sa mga station of the cross na makikita sa palibot na haligi. |
Ang spiral staircase patungo sa balkonahe. |
Ang kabuuan ng simbahan ay makikita mula sa balkonahe. |
Ang mga capiz na makikita sa may taas ng balkonahe. |
Oras ng Misa:
Lingo - 9:30 am to 10:30 am
Lugar:
Araneta Compound, Victoneta Avenue
Malabon City
Telepono: 361-9275, 361-8017, 332-9184
Website: www.victoriaplace.victoriaaraneta.com
Sa bandang likuran ng simbahan naman matatagpuan ang "clubhouse" ng lugar – ang nagsisilbing tanggapan at reception ng mga kinasal. Puntahan ang hiwalay na post tungkol dito.
Subscribe to:
Posts (Atom)
3 comments
Post a Comment